![]() | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
24-Hour Public Weather ForecastIssued at 5:00 a.m., 20 February 2014Valid beginning: 5:00 a.m. today until 5:00 a.m. tomorrow Tail-end of a cold front affecting Northern and Central Luzon. Forecast: Metro Manila and the rest of Luzon will experience cloudy skies with light rains and isolated thunderstorms. Visayas will have partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains. Mindanao will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms. Moderate to strong winds from the northeast will prevail over the eastern sections of Southern Luzon, Visayas and Mindanao. The coastal waters along these areas will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moderate coming from the northeast with slight to moderate seas. GALE WARNING NO. 02 For: Strong to gale force winds associated with the surge of Northeast Monsoon. Issued at 5:00 a.m. today, 20 February 2014 Strong to gale force winds is expected to affect the northern and western seaboards of Northern Luzon.
The next update will be issued at 5:00 p.m. today
24-Hour Public Weather Forecast
Issued at: 5:00 AM 20 February 2014 Synopsis: Tail-end of a cold front affecting northern and central Luzon. Forecast: Metro Manila and the rest of Luzon will experience cloudy skies with light rains and isolated thunderstorms. Visayas will have partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains. Mindanao will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms. Moderate to strong winds blowing from the northeast will prevail over the eastern sections of southern Luzon, Visayas and Mindanao. The coastal waters along these areas will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moderate coming from the northeast with slight to moderate seas. Over Metro Manila: Maximum Temperature: 12:00 PM Yesterday --- 28.8 ºc Minimum Temperature: 6:30 AM Yesterday --- 19.2 ºc Maximum Relative Humidity: 6:00 AM Yesterday --- 93 % Minimum Relative Humidity: 4:00 PM Yesterday --- 62 % Low Tide Today: 7:08 AM …..……….. 0.18 Meter High Tide Today: 1:32 PM …..……….. 0.66 Meter Low Tide Today: 7:53 PM …..……….. 0.18 Meter High Tide Tomorrow: 1:55 AM …..……….. 0.53 Meter Sunrise Today: 6:18 AM Sunset Today: 6:02 PM Moonset Today: 9:31 AM Moonrise Today: 10:23 PM Illumination Today 77 % For more information and queries, please call at telephone numbers 927-1335 and 927-2877 or log on to www.pagasa.dost.gov.ph. 4. Weather Watch
DZMM: Malamig
ang Pangulong Aquino sa proposal na bigyan ng P40,000 na financial assistance
ang bawat isang Yolanda survivor. Sinabi ng Pangulo na hindi pangmatagalang
solusyon ang pagbibigay nito. Dagdag pa ng Pangulo, hindi dapat basta-basta
nagtatayo ng bahay ang mga ito sa kanilang lugar. Itinanggi rin ng Pangulo na
pinababayaan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng nasabing bagyo.
Samantala, babalikan umano niya sa susunod na linggo ang mga lugar na sinalanta
ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() ![]() 1. PIA Regional Watch
PIA-4A/BATANGAS: Ayon kay PNP PRO 4A
Gen.Jesus Gatchalian,magdadagdag sila ng tao sa lalawigan ng Batangas upang
masiguro ang peace and order ng lalawigan at maiwasan ang nangyari sa bayan ng
Lemery kung saan 7 Jam bus ang sinunog ng mga hinihinalang makakaliwang grupo.
2. PIA Regional Watch
PIA-4A/QUEZON: The Philippine
Coconut Authority {PCA}-Quezon 1 is continuously conducting massive campaign
against coconut scale insects infestation in the province and other parts of
the region through implementation of different programs such as spraying, leaf
pruning and releasing of biological control agents particularly in outbreak
zones. PCA-Quezon 1 said that Quezon province ranked no.3 in CALABARZON
affected by coconut scale infestation.
3. PIA Regional Watch
PIA-4A/BATANGAS: Nagtapos ang may 57
graduates sa isinagawang military pilot graduation 2014 sa isang simpleng
seremonya ngayong araw sa Fernando Air Base Air Education Training Command(PAF
AETC)kung saan layon nitong kilalanin ang sigasig na ipinakita upang matapos
ang kanilang military pilot training.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
1. Tagalog news: Mga kapitan ng barangay,sumailalim sa
barangay-based program and initiative orientation
Thursday 20th of
February 2014
LUNGSOD NG BATANGAS, Pebrero 20 (PIA) --Isang
malawakang pagtitipon ng mga barangay chairman ang idinaos ng pamahalaang
panlalawigan ng Batangas noong ika-12 ng Pebrero .
Layun ng malawakang pagpupulong o general orientation on
barangay-based programs and initiatives na ipaabot ang kaalaman at
impormasyon sa hanay ng barangay ang mga programa, serbisyo at inisyatibong
isinasagawa ng Kapitolyo sa ilalim ng administrasyon ni Governor Vilma Santos
Recto.
Sa nasabing okasyon isa-isang ipina-abot ng mga departamentong
may kinalaman sa pagpapaganap ng mga programa sa hanay ng social welfare,
nutrition, education at peace and order. Ilan sa mga ito ay patungkol sa
pagtatalaga ng mga opisyal de barangay tulad ng barangay health workers,
barangay nutrition scholars, day care workers, at VSR volunteers .
Dahil sa katatapos pa lamang ng eleksyon sa barangay
level, ilan sa mga nagiging usapin ay ang pagtatalaga ng mga nasabing mga
tagapaganap sa kanilang kumunidad.
Isa isang sinagot at binigyang linaw dito ang mga isyu sa
pamagitan ng pagbibigay ng presentasyon, kaalaman at orientasyon mula sa mga
opisyal na mula sa Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial
Assistance for Community Development, Provincial Health Office at Provincial
Cooperative and Development Office.
Isa binigyang pansin ang pagsasagawa at organisasyon ng
pagpapatupad ng mga batas na sasakop sa proteksyon ng mga bata at pagtatayo ng
konseho para dito, pagkakaroon ng Violence Against Women and Children’s Desk at
pagtataguyod ng Child Friendly Barangay.
Sa kanyang mensahe ipinaabot ni Governor Vi sa mga Barangay
Captains ang kanyang pagsuporta at sinabi sa mga ito na patuloy at laging bukas
ang kanyang administrasyon sa pagtulong sa pagbibigay ng mga proyekto sa
ikauunlad ng kanilang nasasakupan.
Subalit binigyang diin nito na ang kanilang mga resolusyon o
proyektong hinihingan ng ayuda ay mabibigyan katuparan lamang kung ang
mga ito ay na babase sa batas o panuntunan ng Commision on Audit.
Ang ganitong bagong panuntunan ayon pa sa gobernador ay sa
kadahilanan ng pagsulpot ng mga isyu sa lebel ng Nasyunal na pamahalaan ukol sa
mga pagamit ng pondo ng gobyerno sa mga ghost projects na kariniwang
isinasaagwa sa mga Local Government Units. (Edwin V. Zabarte PIO Batangas/PIA
Batangas)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392715478#sthash.ppepUbC2.dpuf
2. Tagalog news: Salamat Po Award, muling
iginawad sa pamahalaang lungsod ng Batangas
Thursday 20th of February 2014
LUNGSOD NG BATANGAS,
Batangas, Pebrero 20 (PIA) --Muling ginawaran ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD) Region IV-A ang pamahalang lungsod ng Batangas ng
Salamat Po Award sa okasyon ng ika-63 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito
noong Pebrero 12.
Sa 20 Salamat Po
awardees sa buong rehiyon, ang lokal na pamahalaan ng Batangas City lamang ang
tanging local government unit na ginawaran.
Ang pamahalaang
lungsod ng Batangas ay binigyan ng pagkilala sa aktibong partisipasyon at
pagtugon sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng DSWD kabilang ang
pagkalinga sa mga babaeng nasa krisis sa Regional Haven for Women, supplementary
feeding sa mga malnourished na bata upang maging malusog, at pilot
implementation ng comprehensive program para sa cultural minority na
Sama-Bajaus na naninirahan sa lungosd.
Sa pagtanggap sa
karangalan bilang kinatawan ng lungsod, binanggit ni social welfare and
development officer Mila Espanola na kabilang sa mga kababaihang natutulungan
nila ang mga may sakit sa pag-iisip, biktima ng pang-aabuso, at iba pang
nakakaabang sitwasyon.
Ayon pa kay Espanola,
may 6,000 day care children naman ang nakinabang sa supplementary feeding na
isinagawa sa loob ng 120 araw, mula Hulyo-Disyembre 2013. Bunga nito, nabawasan
ang bilang ng mga malnourished children kasama na ang sobra sa timbang mula sa
2,000, ito ay 400 na lamang.
Sa nasabing gawad,
binigyang pansin ang maigting na pagtutok ng pamahalang lungsod upang maiangat
ang antas ng pamumuhay ng mga pamilyang higit na nangangailangan sa pamamagitan
ng pagkakaloob ng mga livelihood skills training, tulong puhunan, EBD
Healthcard, scholarship program, libreng tertiary education sa pamamagitan ng
Colegio ng Lungsod ng Batangas at iba pa.
Malaking puntos din
ang pagkalinga sa mga indigeneous people partikular ang may 300 pamilyang
Badjao. Sila ay natutulungan sa feeding program, livelihood program
at cash for work sa paglilinis ng mga kanal, paglilinis ng Calumpang River
at iba pang gawaing pang-komunidad. Tinuturuan din sila ng City
Health Office ng sanitasyon hindi lamang sa kanilang mga sarili,
kundi sa kanilang mga tahanan at komunidad.
“Higit naman naming
bibigyan ng pansin ngayong taon ang mga katatandaan, mga may kapansanan,
seasonal solo parent, mga anak ng benepisaryo ng 4P’s at mga pamilyang may
miyembrong nakakulong,” pagtatapos ni Espanola. (Ronna Endaya Contreras-PIO
Batangas City/PIA Batangas)
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392714817#sthash.D5TpWoFx.dpuf
3. Tagalog news: 144 bags ng dugo nalikom sa
bloodletting activity ng BPPO
Wednesday 19th of
February 2014
LUNGSOD NG
BATANGAS, Pebrero 19 (PIA) --May 144 bags ng dugo ang nalikom sa isinagawang
bloodletting activity ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa
pangunguna ng Police Community Relations Branch (PCRB) noong Pebrero 14.
Ang aktibidad na may
temang "Dugong Alay Ko sa Araw ng mga Puso" ay nilahukan ng humigit
kumulang 1,000 civilian at PNP personnel mula sa iba’t-ibang bayan at
lungsod sa lalawigan.
Sinabi ni PSupt.Nilo
Maitim, hepe ng PCRB, na ang gawain ay layong matulungan ang Batangas
Medical Center at Red Cross Batangas na maka-ipon
ng dugo para sa lahat ng mga nangangailangan.
"Isang maliit na
paraan ito upang ipakita ng mga kapulisan ang kanilang pagtulong lalo na sa mga
maysakit," wika ng hepe ng PCRB.
Idinagdag pa ng
opisyal na marami pang mga bloodletting activities ang isasagawa at lalahukan
ng mga kapulisan tulad ng 3rd Blood Olympics na nakatakda sa lungsod ng
Tanauan sa darating na Pebrero 21. (MPDC/PIA Batangas)
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392714282#sthash.6SgSt7Da.dpuf
4. Tagalog news: Mga mag-aaral mula sa lungsod
ng Batangas, wagi sa 11th National Science Quest
Wednesday 19th of
February 2014
LUNGSOD NG BATANGAS, Pebrero 19 (PIA) --Muling humakot ng
karangalan ang mga highschool students na kumatawan sa Batangas City sa
11th National Science Quest na ginanap sa Teachers Camp, Baguio City noong
February 10-12.
Champion sa On the Spot Painting Contest si Gwen Ysanth
Ramirez ng Westmead International School; Jelmer John Ochoa ng Saint Bridget
College sa Esay Writing at Hannah Mae Medes ng Batangas National Highschool sa
Sci-Impromptu Speaking sa Filipino.
Nakakuha ng 2nd place ang grupo ng mga mag-aaral mula sa NAVERA
National Highschool sa Jingle making at sa Essay Writing sa Filipino si
Patricia Atienza ng Divine Child Academy.
Nanalo ng ikatlong pwesto sa Sci-Impromptu Speaking sa
Filipino si Flowerly Bobadilla ng Tabangao National HS; 5th place sa On the
spot painting – Teachers category si Nadia Divina Alviar ng King’s Kids Academy
at 8th place naman sa Science Quiz si John Michael Panganiban ng Pedro S.
Tolentino Memorial NHS.
Tinanghal na Bb Kalikasan si Rochelle Gaspar ng Batangas
National HS. Ang nasabing search ang highlight ng National Science Quest.
Si Gaspar din ang napiling Best in Uniform, Best in Casual ear,
best in sports wear at Best in Indigeneous attire. Siya ay nagkamit
ng sash, certificate at trophy.
Ang naturang mga awardees ay binigyan ng gawad ng pagkilala ng pamahalaang
lungsod ng Batangas noong ika-17 ng Pebrero. (Ronna Endaya
Contreras/PIA)-Batangas)
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392714675#sthash.j11XS4nv.dpuf
5. Tagalog news: Oplan Checkmate, muling
inilunsad ng Batangas PPO; 732 motorsiklo, kumpiskado
Wednesday 19th of February 2014
LUNGSOD NG
BATANGAS, Pebrero 19 (PIA) --Muling inilunsad ng Batangas Police Provincial
Office (BPPO) ang Oplan Checkmate sa buong lalawigan ng Batangas kamakailan na
nagbunga ng pagkakakumpiska ng 732 motorsiklo.
Sinabi ni BPPO
provincial information officer PSI Dwight Fonte, na ang mga motorsiklo ay
kinumpiska dahil sa paglabag ng mga may ari nito sa Traffic Code of the
Philippines at mga kuwestiyonableng mga dokumento.
Ang mga kumpiskadong
motorsiklo ay inilagay muna sa pangangalaga ng kapulisan upang alamin kung
nagamit sa anumang krimen. Kapag napatunayang maayos ang mga motorsiklo at
nakapagbigay ng kaukuluang dokumento ang mga may-ari ay saka lamang ibabalik
mga ito.
Ayon pa kay Fonte,
nakapagtala ng zero crime incident sa buong lalawigan matapos ang 24 oras na
implementasyon ng Oplan Checkmate. Nahuli rin ang tatlong indibidwal sa
paglabag sa The New Comprehensive Firearms Law of the Philippines.
Sa kabuuan may 10,865
motorsiklo na ang nasuri ng iba’t-ibang istasyon ng pulis sa lalawigan ng
Batangas kung saan 1,371 ang nakitang may paglabag ngunit 732 lamang ang
impoundable.
Katuwang ng BPPO ang
Land Transportation Office Region 4A at Batangas Highway Patrol Team sa
pagpapatupad ng nasabing operasyon. (MPDC/PIA Batangas
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392713688#sthash.tNS5eSWd.dpuf
6. Pelikultura 2014 showcases Calabarzon
shorts, award-winning indie films
Wednesday 19th of February 2014
LOS BANOS,
Laguna, Feb. 19 (PIA) --Along with Calabarzon-produced short films in
competition, Pelikultura: The Calabarzon Film Festival 2014 will showcase
award-winning full-length indie films during the three-day film festival on
Feb. 26-28 at the NCAS Auditorium in UP Los Baños.
The festival opens
with Arnel Mardoquio’s Riddles of My Homecoming, Special Jury Prize winner at the Cinema One Originals Festival
in Nov. 2013. Riddles
also won four other major awards, including Best Production Design, Best Music,
Best Cinematography, and Best Director. The film stars UPLB’s instructor and
Pelikultura festival director, Ms. Madz Garcia.
Pelikultura 2014 is
also proud to bring Lav Diaz’s Norte: Hangganan ng Kasaysayan as the closing film on Feb. 28 at 1pm. It
premiered as an official selection in "Un Certain Regard" at the
Cannes Film Festival 2013 and won the top prize at the Nuremberg International
Human Rights Film Festival in Oct. 2013.
The heart of the
festival is the showcase of short films from Calabarzon and other regions. From
among the 30 film submissions from Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon,
10 film entries were shortlisted for the narrative category, and five others
were selected for the documentary category.
The 10 shortlisted
entries for the narrative category are the following: Jonathan by Rolson Chester Ilao (Laguna), Sa Huli by Jerome Lingan Dulin (Laguna), Ngiti sa Piso by Domcar Calinawan Lagto (Batangas), Pag ang Palay Naging
Bigas by Lexian
Losley Avestruz (Quezon), Isang Karaniwang Kwento ng Pag-Ibig by Steve Cardona (Batangas), Puppy Love by Hector Lincallo, Jr. (Batangas), Hula by PROMDi FiLMS (Batangas), Tiya Bening by Ralph Aldrin Quijano (Batangas), Pag-ibig ni Angelo
Guidoti by Ralph Aldrin
Quijano (Batangas), and Kuwento ni Buhol by Ronan Vergara (Laguna).
The following are five
shortlisted entries for documentary category: Ang Aking Inspirasyon by Al Geraldleo Laurio (Laguna), Ang Planta by MSEUF BS Mass Comm 3rd Yr. (Quezon), Batang Padyak by Anjeanette Japor & Natalie
Mondejar (Quezon), Gulong by
Angelie Mae Macalanda (Rizal), Ang Tanda Kung Saan Napunta ang Mga Ngiti by Neville Carbon (Cavite).
The finalists vie for
the following major awards: Best Narrative Film, Best Documentary Film, and
Best Director in both categories. Other special awards for the narrative
category include: Best Story, Best Performance by an Actor and Actress, Best
Cinematography, Best Editing, Best Production Design, Best Sound, Best Original
Music, and Most Gender-Sensitive Film Award. For both narrative and documentary
category, special awards will be given such as Audience Choice Award and
Special Jury Prize.
Short films in
exhibition are also part of the festival, which include those programmed in
Cinema Rehiyon, an annual festival of regional films sponsored by the National
Commission for Culture and the Arts.
Moreover,
seminar-workshops will also be part of Pelikultura 2014. Known personalities in
the regional indie filmmaking industry will serve as resource speakers namely,
Teddy Co, co-founder of Cinema Rehiyon and film programmer who will give a
lecture on Film History and Appreciation on Feb. 26, Director Arnel Mardoquio,
who will be the resource person on Story Development and Directing, and
Director Ditsi Carolino, an award-winning documentary director and producer who
will give a workshop on Documentary Filmmaking Feb. 27. Lastly, on Feb. 28,
Dexter Dela Peña, who worked in several independent films as cinematographer,
will give a workshop on Cinematography.
Admission to all
screenings is free, except for the opening and closing films. Tickets for Riddles and Norte cost Php50 each.
This year’s selection
jury who shortlisted the films in competition is composed of John Matthew
Baguinon, an award-winning Laguna-based filmmaker, Carmela 'Kame' Lagang, a
full-time media practitioner of Southern Tagalog Exposure (ST eXPOSURE), and
Prof. Rudyard Contreras Pesimo from UPLB, a multi-awarded animation artist and
a professor of computer animation and visual effects.
Now on its fourth
year, Pelikultura: The Calabarzon Film Festival continues to provide a venue
for Region IV-A’s budding and experienced independent filmmakers to showcase
their digital films that tell stories from home. It is hoped that with these
goals of the festival, filmmakers from the region will be encouraged to
continue their filmmaking endeavors and to collaborate with other filmmakers to
further enrich ‘Calabarzon cinema’.
This event is
presented by NCCA, UPLB Foundation Inc., and UPLB pelikuLAB in partnership with
University of the Philippines Los Baños, Office for Initiatives in Culture and
the Arts, Southern Tagalog Arts Festival, UPLB Gender Center, ST eXPOSURE,
Canon, Rough Road Productions, WhenInManila.com,
UPLB-Anak, UP Caballeros, and UP Film Circle.
For more information
and ticket reservation, please contact pelikuLAB Secretariat at 09984344055
& 09053710186 or email at pelikulab@gmail.com
and visit our Facebook: facebook.com/pelikultura.calabarzonfilmfestival
(UPLB pelikuLAB/PIA4A)
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=631392795732#sthash.zeqgeyaX.dpuf
7. Walk for a cause, alay sa mga benepisaryo
ng Cancer Warriors Foundation
Wednesday 19th of February 2014
LUNGSOD NG
BATANGAS, Pebrero 19 (PIA) --Isang walk for a cause na alay para sa
mga benepisaryo ng Cancer Warriors
Foundation (CWF) ang isasagawa ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil
sa Pebrero 28, simula ika-6 ng umaga sa Batangas City track oval.
Sinabi ni city civil
registrar Josie Maranan, na ito ang unang pagkakataon na
magsagawa sila ng walk for a cause at inaasahang lalahok ang lahat ng
empleyado ng kanilang tanggapan kasama ang mga kawani ng Provincial
Statistics Office.
Ang programa ay bahagi
ng pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero na may temang
"Ikaw at Ako, Patungo sa Wastong Pagrerehistro.
Ala una ng hapon
ng nabanggit na petsa, isasagawa naman sa ikalawang pagkakataon ang
Timpalak Talumpatian sa Teachers conference center. Ito ay lalahukan ng
mga highschool students mula sa pampubliko at pribadong paaralan.
May nakalaang cash
prizes at medalya sa mga mag-aaral na magwawagi at trophy naman para sa
paaralang kanilang kinakatawan.
Tulad ng nakagawian,
magkakaloob ng libreng sertipiko ang Civil Registrar’s Office sa lahat ng
kliyente nito sa Pebrero 28.
Samantala, patuloy pa
din ang nabanggit na tanggapan sa pagsasagawa ng mobile
registration sa mga barangay sa ilalim ng 4K Movement (Kaibigan,
Kabalikat, Kaalam at Katuwang). (Ronna Endaya Contreras-PIO Batangas City/PIA
Batangas)
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392712695#sthash.7Ev1zorF.dpuf
8. Tagalog news: Midwife ng BCHO, napiling
best treatment partner
Thursday 20th of
February 2014
LUNGSOD NG
BBATANGAS, Pebrero 20 (PIA) --Isang midwife sa Batangas City Health Office
ang napili ng Center for Health and Development (CHD) Region
4A bilang “Best Treatment Partner” sa pagpapatupad ng National
Tuberculosis Control Program (NTCP).
Sa seremonya na
idinaos kamakailan sa One Esplanade sa SM Central Business Park, tinanggap ni
Vilma Arevalo, 23, ang tropeo ng pagkilala na
kauna-unahang natanggap ng isang nagmula sa Batangas City sa
regional level. Si Arevalo na nakatalaga sa barangay Wawa Health Center ay isa
sa mga tumutulong sa paggamot ng mga pasyenteng may TB.
Sinabi ni
Arevalo na sipag at pagmamalasakit sa kanyang mga pasyente ang mga
katangiang taglay niya kung kayat siya ang napili ng CHD Region 4A para sa
karangalan.
“Mas pag iigihin ko pa
ang aking pagseserbisyo publiko upang mas maraming kababayang may sakit na TB
ang matulungan ko,” sabi ni Arevalo. "Balewala ang mga
gamot mula sa gobyerno kung hindi maibibigay ng maayos sa mga pasyenteng
may TB."
Upang makaiwas sa
sakit na ito, ipinapayo ni Arevalo na kumain ng mga masusustansyang
pagkain, iwasan ang stress, at panatilihing malinis ang katawan at ang
kapaligiran.
“Kapag ang isang
pasyente ay may TB, kinakailangan niyang sumailalim sa anim na buwang gamutan.
“Tutok Gamutan” ang tawag sa unang dalawang buwan kung saan
kinakailangang pumunta araw-araw sa health center ang pasyente
upang uminom ng gamot,” paliwanag ni Arevalo.
Matapos ang dalawang
buwan, bawa't linggo naman ang pagpapainom ng gamot sa susunod na
apat na buwan. Maliban dito, bawat dalawang buwan ay susuriin ang pasyente
upang malaman kung positibo o negatibo na ito sa TB. Maaring ganap na
gumaling ang isang pasyente kung masusunod lamang ang anim na buwan na
pagpapagamot.
Ayon sa city health
office, may naitalang 24 na pasyente ng TB noong 2012 at 26 naman noong
2013. (Ronna Endaya Contreras-PIO Batangas City/PIA Batangas)
- See more at:
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=681392714494#sthash.JtoCuaMm.dpuf
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() ![]()
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Thank You and God Bless !!!!
|
Wednesday, February 19, 2014
Dispatch for February 20 , 2014 ( Thursday) , 7 PIA Calabarzon PRs , 4 Weather Watch , 3 Reg’l. Watch , 1 PNOY Speech , 12 Online News , 27 Photonews (Feb.19)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment