Monday, March 25, 2013









PIA LOGO with Mt

  

Pahiyas Lucban A.  QUEZON                     

Tagalog news: Kampanya laban sa TB sa Quezon, patuloy


By Ruel M. Orinday
Tuesday 19th of March 2013
TweetFacebookYahooEmailShareThis
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 19 (PIA) -- Inihayag dito ni Dr. Erlinda Plotria ng Provincial Chest Clinic na patuloy ang programa ng kanilang tanggapan upang tuluyang masugpo ang sakit na tuberculosis o TB sa buong lalawigan ng Quezon.

Ang pahayag ni Plotria ay ginawa kaugnay sa pagdiriwang ng World TB Day at pangalawang taon ng Quezon Provincial Chest Center- Public-Private Mix DOTS Foundation.

Sinabi pa ni Plotria na patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa iba’t ibang ospital at institusyon sa lalawigan ng Quezon sa pagpapatupad ng programa kontra TB base na rin sa atas ng Department of Health

Gayundin sa pamamagitan aniya ng Innovations and Multisectoral Partnerships to Achieve Control of TB o IMPACT ay masmapapalakas pa ang programa ng pamahalaan sa pagsugpo sa sakit na TB.

Base sa kanilang tala ay umabot sa 99 ang pasyenteng may sakit na TB ang nabigyan ng lunas ng kanilang tanggapan noong nakaraang taon.

Ayon naman kay Webster Letargo, Chief of Staff ni Gov. David “Jay-Jay” C. Suarez kailangan nang ma-wipe out o mawala na ang sakit na TB sa lalawigan ng Quezon at magagawa lamang ito kung sama-samang kikilos, magtutulungan at makikiisa ang bawat mamamayan.

Aniya, huwag ding mahiyang magpakonsulta ang isang tao kung may nararamdamang mga senyales ng sakit na TB upang sa simula pa lamang ng sakit ay malapatan kaagad ng lunas at hindi na lumala pa. (CPG/RMO-PIA4A Quezon/May ulat mula sa Quezon PIO)

No comments:

Post a Comment