Monday, March 17, 2014

http://www.pcoo.gov.ph/balitang_malacanang.htm

http://www.pcoo.gov.ph/balitang_malacanang.htm







 










OPS2007-ban-balita.jpg (34469 bytes)








































Makikipagpulong sa iba-ibang sektor ang
Pangulo ngayong linggong ito






























 






























Nakatakdang makipagpulong sa iba-ibang sektor ang
Pangulong Benigno S. Aquino III ngayong linggong ito kaugnay ng hangaring
makatuklas ng mga paraan upang  mapabilis pang lalo ang pambansang kaunlaran.




Alinsunod sa Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda na laging binibigyang
diin ng Pangulo ang mahalagang ginagampanan ng mga lokal na pamahalaan sa
pagpapaunlad ng bansa kaya makikipagpuoong siya sa mga ito ngayong linggong
ito.



Magiging panauhin ang Pangulo upang  pasumpain  ang League of Local
Government Units and Elective Officials at magtatalumpati sa pangkalahatang
kapulungan ng League of Municipalities of the Philippines.



“Pangungunahan din ng Pangulo ang paggagawad ng 16th Philippine Quality
Awards bilang pagkilala sa katangi-tanging mga nagawa ng pambayan at
pribadong sektor na may malaking  naiambag upang maging higit na mahusay at
malaki ang produksiyon sa bansa,” sabi ni Lacierda.



Idinugtong ni Lacierda na dadaluhan din ng Pangulong Aquino ang Original
Filipino Music Summit upang makadaupang-palad ang mga nasa larangan ng
naturang industriya sa hangaring lalo pang umunlad ang musikang Pilipino. 
PND (as/zaf)

































Inisa-isa ng Malacañang ang mga benepisyo ng
Pilipinas sa ‘increased rotational presence’ ng kawal-Amerikano sa bansa






























 






























Malaking pakinabang ang matatamo ng Pilipinas kapag
napagtibay ang increased rotational presence ng mga kawal-Amerikano sa bansa,
sang-ayon sa Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda sa pulong-balitaan sa
Malacanang Lunes.



Sinabi ni Lacierda na ang kasunduang masasalig sa umiiral na mga kasunduan
sa Estados Unidos gaya ng Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty
ay tiyak na makatutulong sa Pilipinas sa larangan ng technology transfer at
disaster response.



“Ang dahilan kaya ito makatutulong ay magkakaroon ng ilang technology
transfer, gayundin ang pagpapalitan ng kaalaman ng mga kawal Amerikano at
Pilipino sa gagawin nilang magkasamang pagsasanay,” paliwanag ni Lacierda sa
mga mamamahayag.



“Pabubutihin nito ang kakayahang magtanggol ng Pilipinas sa pagiging handang
lagi. Itulot ninyong bigyang diin ko na ang isang bahagi ng rotational
presence na ito sa kasalukuyan ay ang pagtutuon ng pansin sa pagiging handa
sa panahon ng kalamidad at kung paano mababawasan ang kalamidad,” dugtong ni
Lacierda.



Nakikita ng pamahalaang Pilipino ang malaking pagbabagong magaganap tungkol
sa increased rotational presence, lalo na nang magpadala ang Hukbong
Amerikano ng mga kagamitan nito sa Gitnang Kabisayaan nang manalanta ang
napakalakas na bagyong Yolanda.



Nagpadala ang Estados Unidos ng mga bapor, eroplano, helikopter at sasakyan
ng hukbo upang tumulong sa paghahatid ng tulong, pagkain at mga kagamitan sa
rehiyon ng Kabisayaan na winasak ni Yolanda.



Hindi na kailangang pagtibayin pa ng Senado ng Pilipinas ang isang bagong
kasunduan dahil ang increased rotational presence pact sa Estados Unidos ay
gagawin alinsunod sa mga umiiral nang mga kasunduang napagtibay na ng Senado.



“Ito ay isang kasunduang nakasalig o ipatutupad nang alinsunod sa mga
tadhanain ng Mutual Defense Treaty, gayundin sa Visiting Forces Agreement.
Ang dalawang kasunduang ito ay pinagtibay na ng Senado,” wika pa ni Lacierda.



“Kaya naman, sang-ayon sa pananaw ng sangay Ehekutibo, ang mga ito ay pawang
mga tadhanain lamang na magpapatupad ng dalawang kasunduang napatibay na ng
Senado,” dagdag ni Lacierda. PND (as/zaf)
































 






























 

No comments:

Post a Comment