Tuesday, September 17, 2013

PIA | Tagalog news: Disaster preparedness capability demo, isinagawa sa Quezon

Tagalog news: Disaster preparedness capability demo, isinagawa sa Quezon
By: Ruel M. Orinday
Tuesday 17th of September 2013
 3  2  1  0  0
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Set. 17 (PIA) -- Isang disaster preparedness capabality exercise na kinabibilangan ng tatlong senaryo ang isinagawa sa pangunguna ng Southern Luzon Command (Solcom) noong ika-12 ng Setyembre sa fishing port ng barangay Dalahican sa lungsod na ito.

Sinabi ni Regional Director Vicente Tomazar ng Office of Civil Defense (OCD) IV-A na mas malawak ang sakop ng nasabing capability exercise kaysa sa ordinaryong drill dahil kasama ang karagatan at senaryong terorismo at hostage-taking.

Ipinakita ng mga nagsanib-puwersa na mga pampubliko at pribadong institusyon ang kanilang mga sinusunod na hakbang para sa aktuwal na pagresponde. Gamit ang iba’t ibang air, water and land assets ng mga kalahok tulad ng helicopter, rescue boats, bomb disposal units, hazardous materials at K9 teams, special operations units ng FP, PNP, PCG, BFP, disaster task groups ng lokal na pamahalaan at iba pa, naipamalas ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pag-neutralize sa isang crisis situation.

Ipinakita rin ng mga eksperto sa disaster risk reduction and response ang kakayahan nila sa paghawak ng "mass casualty evacuation" gamit ang Incident Command System.

Sinabi ni Lt.Gen. Caesar Ronnie Ordoyo, commanding general ng Solcom, na dito nila malalaman kung gaano katagal o kabilis ang gagawing pag-responde sa panahon ng sakuna ng mga kinauukulang ahensiya.

Sinabi naman ni Dr. Henry Buzar, action officer ng provincial disaster risk reduction and management council, na tinitiyak ng administrasyon ni Governor David “Jayjay” C. Suarez na nakahanda anumang oras ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng suporta lalo na kapag may mga kalamidad hindi lang sa Quezon, kundi maging sa mga karatig probinsiya nito.

Higit na binigyang pansin sa naturang demonstrasyon ang pagresponde sa mga sakuna na maaaring mangyari sa karagatan dahil ayon kay Dr. Buzar may mga aksidenteng nangyayari sa karagatan na sakop ng lalawigan. Isa sa inihalimbawa nito ay ang MV Carmela Tragedy - kung saan maraming buhay ang nawala - kaya nararapat lamang na mas maging handa ang response team ng Quezon.

Binanggit pa ni Buzar ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga organisasyong kasali sa naturang exercise. Kung hindi umano magtutulungan ang mga ito, imposible na maisagawa ng maayos ang mga hakbang na kinakailangan upang makapagligatas ng mga buhay at makontrol ang isang sitwasyon. (PIA-Quezon/ Quezon PIO)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=701379303261#sthash.qS4Cxktu.dpuf

No comments:

Post a Comment