Thursday, September 12, 2013

PIA | Tagalog news: Ilang pamilya, benepisaryo ng 'Balik Pamilya' program ng AFP



Tagalog news: Ilang pamilya, benepisaryo ng 'Balik Pamilya' program ng AFP


By: Carlo P. Gonzaga
Thursday 12th of September 2013


SAN ANDRES, Quezon, Set. 12 (PIA) -- Ilang pamilya mula sa Barangay Camflora sa bayang ito ang nakinabang sa programang “Balik Pamilya” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan.

Sa pahayag nina Col. Alex C. Capia at Lt. Col. Consolito P. Yecla ng 201st Infantry Brigade ng AFP, ang “Balik Pamilya” program ay isa sa mga civic projects nila na naglalayong magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan sa kanayunan na pinaghihinalaang may problema sa insurgency sa pamamagitan ng pinagsanib na suporta mula sa publiko at pribadong sektor.

Ang mga pamilyang Guevarra, BeƱegas, at Endonilla ang unang mga benipisyaryo ng programa ay pinagkalooban ng tig-iisang kalabaw ng Rotary Club of Cosmopolitan Lucena.

Kabilang sa iba pang ahensiyang nagbigay ng suporta ay ang provincial agriculture na nagbigay ng apat na sakong binhi ng mais at ang Philippine Coconut Authority na nagbigay ng niyog na binhi.


Ang Department of Trade and Industry (DTI) Quezon naman ay nangakong dadalhin ang kanilang shared service facilities (SSF); habang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Quezon ay nangakong aasikasuhin ang problema sa mga batang manggagawa at dadalhin ang kanilang integrated livelihood program (DILP) para sa mga benepisaryo. (CPG, PIA4A)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=631378961854#sthash.9QTVkcPH.dpuf

No comments:

Post a Comment