Friday, October 31, 2014

PCOO - Photo Releases

PCOO - Photo Releases



INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
Media Interview / DLTB Bus Terminal, Pasay City
31 October 2014
 
 
Q: Ano po ‘yung assessment doon sa pag-ikot ng Pangulo?

SEC. COLOMA: Nasiyahan ang ating Pangulo sa kanyang nakita sa iba’t ibang lugar na kanyang dinalaw tulad ng pantalan sa (Manila) North Harbor, ‘yung NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, at itong dalawang bus terminal dito sa Pasay City. Nakita niya na nasa maayos na kalagayan ang ating mga kababayang nagsisiuwi sa kanilang mga hometown. Nakita rin niya na sapat ang preparasyon na ginawa para maging ligtas at maginhawa ang pagbiyahe ng ating mga kababayan.

Q: Sir, walang siyang particular or additional directives based doon sa nakita niya kanina?

SEC. COLOMA: Based doon sa nakita niya doon lamang sa barko na inakyat doon sa North Harbor, napansin lang niya na mayroong area doon na kung saan nakalagak ‘yung mga luggage na parang leading to the emergency exit. So pinaayos niya ‘yon para tiyakin na walang harang; pina-clear niya ‘yong emergency lane na ‘yon. Bukod doon ay nasiyahan naman siya sa nakita niyang kaayusan at makikita na handang-handa naman ‘yung mga pasilidad. Walang siksikan na mga tao; kumportable ang ating mga mamamayang naghihintay doon.

Q: [Additional instructions]

SEC. COLOMA: ‘Yung sa Coast Guard, halimbawa, I think meron ding particular instructions kay Admiral (Luis) Tuazon, ‘yung deputy ng Coast Guard hinggil naman sa deployment ng mga K-9 as an additional security and precaution measure. Doon sa NAIA 3 ay tiniyak niya na maayos ‘yung condition ng mga X-ray machines para doon sa pag-clear ng mga cargo.

Q: Sir, ‘yung overloading hindi na po mapapayagan ‘yon?

SEC. COLOMA: Wala namang nakitang overloading at saka nakita naman na pati ‘yung mga kababayan natin doon sa airport, ‘yung merong area doon para doon sa mga early arrivals dahil nga ang suggested sa kanila ay three to five hours na imbes na ‘yung dating one to two hours lamang kaya wala namang nagmamadali, wala namang siksikan, walang congestion kaya nasiyahan ang ating Pangulo sa nakita niya.

Q: Sir, natuwa po siya?

SEC. COLOMA: Oo nga, natuwa siya dahil maayos; kitang-kita ‘yung kahandaan at ginawa ‘yung nararapat para tiyakin ‘yung kaligtasan ng mga mamamayan.

Q: Bakit medyo nagtagal sa NAIA?

SEC. COLOMA: Nag-merienda lang. Nag-merienda, nasarapan doon sa arroz caldo at saka doon sa kakanin na cassava.

Q: Saan, sir?

SEC. COLOMA: Sa NAIA 3 may bagong lounge kasi doon, nag-merienda lang ang Pangulo kaya medyo naantala.
SOURCE: Presidential News Desk

No comments:

Post a Comment