Wednesday, January 1, 2014

PIA | Tagalog news: Medium angle rescue, tampok sa pagsasanay ng Quezon PDRRMO

PIA | Tagalog news: Medium angle rescue, tampok sa pagsasanay ng Quezon PDRRMO



Tagalog news: Medium angle rescue, tampok sa pagsasanay ng Quezon PDRRMO
Thursday 2nd of January 2014
 
SARIAYA, Quezon, Enero 2 (PIA) --Naging tampok ang medium angle rescue sa tatlong araw na pagsasanay na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kamakailan. 
Ang pagsasanay na idinaos sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Sariaya at lungsod ng Lucena ay dinaluhan ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Cuncil (MDRRMC) ng bayang ito. 
Sinabi ni Cenon Allan Loria, municipal administrator na malaking bagay sa pamahalaang bayan ng Sariaya ang naturang pagsasanay dahil sa pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Rosauro Masilang na maging handa at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tauhan ng MDRRMC sa panahon ng kalamidad. 
“Mahihirapang makatugon sa tungkulin ang mga miyembro ng emergency response team kung walang sapat na kaalaman at kakayahan ang mga ito”, sabi pa ni Loria
 Sinabi naman ni Ernesto Amorez, Jr., municipal disaster risk reduction and management officer na ito ang layunin nila, ang mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang lahat ng miyembro ng Sariaya MDRRMC sa basic life support sa anumang uri ng kalamidad. 
Ayon kay Christopher Antona, kinatawan ni Dr. Henry Buzar ng PDRRMO, patuloy silang nagbibigay ng mga pagsasanay sa mga emergency response team at disaster risk reduction and management council ng iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon sa atas na din ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na maging handa at sapat ang kakayahan ng mga bayan sa probinsya sa anumang kalamidad na maaaring mangyari.
 Sa unang araw ng pagsasanay na isinagawa sa Nazareth Hall ng St. Francis of Assisi Parish Church sa Sariaya, itinuro sa mga kalahok ang iba’t ibang uri ng lubid at iba pang kagamitan na ginagamit sa rescue sa anumang uri ng kalamidad gayundin ang iba’t ibang paraan ng pagtatali, anchoring at highline rescue.
 Isinagawa sa Quezon National High School sa lungsod ng Lucena, ang pangalawang araw ng pagsasanay kung saan tinuruan ang bawat isang kalahok ng aktuwal na pagbaba at pag-akyat sa isang gusali gamit ang lubid (rapelling at ascending) at paggamit ng hagdan (slide ladder) sa pag-rescue. 
Sa ikatlong araw na isinagawa sa mismong ilog sa bahagi ng Sampaloc II sa bayan ng Sariaya, itinuro naman ang mga tamang pamamaraan ng river crossing at highline rescue. (Quezon PIO/RMO, PIA-Quezon)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=701387350588#sthash.s74DHPu9.dpuf
 

No comments:

Post a Comment