Thursday, August 1, 2013





Tagalog news: Sakit na TB, layuning masugpo ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon
By Carlo P. Gonzaga
Tuesday 30th of July 2013

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Hulyo 30 (PIA) --Layunin ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon
sa pamamagitan ng provincial chest clinic (PCC) na tuluyan ng masugpo ang sakit na tuberculosis (TB) sa buong lalawigan.

Dahil dito, patuloy ang pagkilos ng PCC sa pamumuno ni Dr. Erlinda Plotria sa pagbibigay lunas sa nabanggit na sakit sa tulong ng dalawang non-government organizations (NGOs), ang Innovations and Mulit-sectoral Parternships to Achieve Control of TB (IMPACT) na suportado ng TB control program ng USAID at ang Philcat.

“Sa tulong ng dalawang NGOs, ang IMPACT at Philcat, mas lalong natututukan ang TB program sa buong lalawigan ng Quezon,” sabi ni Dr. Plotria.

Ayon kay Plotria, tuturuan nila ang lahat na barangay health workers (BHWs) sa bawat rural health unit sa buong lalawgian kung paano ang tamang paghawak sa mga pasyenteng lumalapit sa kanila upang magpa-konsulta at magpagamot.

Kaugnay nito, nanawagan si Dr. Plotria sa mga mamamayan na huwag mahiya na magpakonsulta at magpagamot kung magkakaroon ng naturang sakit dahil sa kasalukuyan ay mayroon nang nakalaang gamot sa mga ito.

Sinabi ni provincial administrator Romulo Edano, na sa kabila ng nakapakatagal na at patuloy na nananatiling problema ang sakit na TB, nagsusumikap ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Suarez na tuluyang masolusyunan ang naturang problema.

Idinagdag pa ni Edano na sa nakalipas na taon ay nagiging maganda ang performance ng lalawigan ng Quezon sa paglaban sa TB, kung saan pumangalawa lamang tayo sa lalawigan ng Rizal.

“Target ng Quezon na manguna sa buong bansa sa paglaban sa TB na kayang-kayang makamit ng lalawigan sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa programa ni Gov. David “Jayjay” C. Suarez,” pagtatapos ni Edano. (CPG, PIA4A at ulat mula sa Quezon PIO)

 Tagalog news: 90 mga guro at mag-aaral ng QNHS, nagsanay sa kahandaan sa kalamidad
By Carlo P. Gonzaga
Tuesday 30th of July 2013

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Hulyo 30 (PIA) --Limampu’t isang mga guro at 39 na mag-aaral ng Quezon national high school (QNHS) ang sumailalim sa pagsasanay sa kahandaan sa kalamidad kamakailan.

Isinagawa ng provincial disaster risk reduction management council (PDRRMC), tinalakay sa pagsasanay ang pagtatag ng command center na siyang magiging sentro ng lahat ng operasyon sa panahon ng kalamidad at pagbubuo ng rescue operations team na siya namang tutugon sa mga nangangailangan ng first aid at iba pang tulong.

Sinabi ni Dr. Henry Buzar na dapat ang lahat ay maging handa sa anumang banta ng kalamidad upang maiwasan ang pagbuwis ng buhay.

“Patuloy na sinisikap ng aming tanggapan na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mamamayan na may kaugnayan sa tamang paghahanda sa kalamidad,” ayon kay Dr. Buzar.

Sinabi ni Concepcion Alcantara, department head ng music art physical education health (MAPEH) ng QNHS na ang mga guro na nagsanay ang siyang itatalagang emergency response team ng eskuwelahan sakaling magkaroon ng kalamidad.

“Ituturo din namin sa iba pang mga guro at mag-aaral ang natutunan namin sa pagsasanay upang mas marami ang nakaka-alam sa mga dapat gawin kapag may kalamidad,” sabi pa ni Alcantara.

Ilang mag-aaral na sumailalim sa pagsasanay ang nagsabing malaking tulong ang dagdag kaalaman na natutunan nila sa pagsasanay na maaari nilang maibahagi sa kanilang mga kapitbahay tulad ng first aide at rescue operations.

Ang pagsasanay ay bahagi ng mga iba’t ibang aktibidad tulad ng earthquake at fire drill na isinasagawa ng PDRRMC upang maihanda ang mga mamamayan ng Quezon sa panahon ng kalamidad.

Ito rin ay bilang tampok na gawain sa pag-obserba ng National Disaster Consciousness Month ngayong Hulyo na may temang “Ligtas na bayan, Maunlad na pamayanan.” (Quezon PIO/PIA4A)

 Lucena Manpower Skills Training Center offers 15 vocational  courses


By Joselito M. Giron
Monday 29th of July 2013

LUCENA CITY, Quezon, July 29 (PIA) -- The Lucena Manpower Skills Training Center (LMSTC) is offering 15 technical-vocational courses to poor but deserving students in the city for free.

Leo Lagos, LMSTC assistant coordinator, said the training center has produced more than 20,000 graduates. The center equipped them with skills which are relevant and responsive to the demand of industrial sector particularly the domestic and overseas labor market.

“The LMSTC has a strong partnership with Technical Education Skills Development Authority (TESDA) in providing short term courses not only to the residents of this city but also from neighboring towns,” Lagos said.

Lagos added that LMSTC is open to out-of-school youths, undergraduates, unemployed or even employed persons who wish to have additional technical skills.

Among the vocational technical courses offered are auto-wiring electrician, auto-diesel mechanics, appliance technician, basic computer, baking, cellphone technician, computer technician, dressmaking, driving, hair science, cosmetology, reflexology, refrigeration and air conditioning and welding.

For those interested persons you may call at telephone numbers 042-3731329/ 042 3731477 and visit personally at LMSTC City Planning and Development Office, Lucena City. (CPG/JMG/PIA4A-Quezon)

Tagalog news: IPHO patuloy ang kampanya labansa "Chikungunya fever"


By Ruel M. Orinday
Monday 29th of July 2013

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, July 29 (PIA) --Patuloy ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa isinasagawang kampanya sa ngayon sa iba’t-ibang bayan ng Quezon laban sa sakit na “Chikungunya fever” sa pamamagitan ng barangay assembly.

Sinabi ni Dr. Agripino Tullas, hepe ng IPHO-Quezon na may mga pinaghihinalaang kaso ng “chikungunya fever” sa lalawigan kung kaya’t tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa nasabing sakit.

Kabilang sa mga bayan na pinaghihinalaang may mga kaso ng “chikungunya fever” ang Calauag, Polillo, Sariaya at Lucena City, ayon kay Dr. Tullas

“Wala pa namang ulat na kaso ng pagkamatay dahilan sa nasabing sakit,” sabi pa ni Tullas.

Sa barangay assembly, ipinapayo sa mga residente ng barangay ang pagpapanatili ng kalinisan ng mga kabahayan at kapaligiran upang hindi pamahayan ng lamok gayundin ang paggamit ng kulambo kontra sa kagat ng lamok na nagdadala ng sakit.

Samantala, ipinapayo rin sa mga bata o matanda na may mga sintomas ng “chikungunya fever” kagaya ng pananakit ng kasu-kasuan at pagkakaroon ng lagnat na magpatingin kaagad sa pinakamalapit na barangay health center, rural health unit o kaya ay sa doktor upang matulungang malapatan agad ng lunas. (RMO, PIA-Quezon)

No comments:

Post a Comment