Sunday, August 11, 2013

PIA | Philippine Information Agency | Tagalog news: Kampanya para sa child labor free municipality and barangay, inilunsad


 Tagalog news: Kampanya para sa child labor free municipality and barangay, inilunsad

By Carlo P. Gonzaga
Thursday 8th of August 2013
TweetFacebookYahooEmailShareThis
MULANAY, Quezon, Agosto 8 (PIA) -- Inilunsad kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 4A ang kauna-unahang child labor free municipality and barangays sa bayang ito.

Ang proyekto ay inilunsad ng DOLE-Region 4A sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at International Labor Organization (ILO).

Sa kanyang pananalita, nagpasalamat si dating DOLE-Region 4A regional director Alex V. Avila sa lokal na pamahalaan sa pagtanggap sa hamon na lutasin ang problema sa child labor.

“Ang Mulanay ang kauna-unahang munisipyo sa buong Calabarzon na naglunsad ng kampanyang ito sa municipal level,” pahayag ni Avila.

Nagpahayag naman ng taus-pusong pasasalamat si Mayor Joselito A. Ojeda sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagkaka-isa upang ma-resolba ang problema sa child labor sa kanyang nasasakupan.

Kalakip ng paglulunsad ng kampanya, nagkaroon ng presentasyon ng mga karapatan ng bata, pagbubuo ng barangay at municipal child protection council (B/MCPC) at oryentasyon ukol sa Anti-child Labor Law at Batas Kasambahay.

Sa nasabi ring okasyon, ipinagkaloob ng DOLE-Region 4A ang isang unit ng computer na may printer kay Mulanay public employment service office manager Antonio C. Nañadiego na gagamitin sa skills registry system (SRS) at tsekeng nagkakahalaga ng P208,692 para 93 na benepisaryo ng special program for the employment of students (SPES).

Ang programa ay dinaluhan ng lahat ng barangay kapitan, local social welfare officer, day care workers, mga magulang at dating mga batang manggagawa. (CPG, PIA4A at ulat mula sa DOLE-Quezon)

No comments:

Post a Comment