1. Tagalog news: Emergency response team ng
Quezon, tutulong sa mga biktima ng bagyo sa Bacoor
By: Ruel M. Orinday
Tuesday 20th of August 2013
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Agost 20 (PIA)--Ang emergency response
team ng Provincial Disaster Risk duction and
Management Council (PDRRMC) ng Quezon ay nakatakdang magtungo ngayon sa Bacoor,
Cavite upang magsagawa ng rescue operation sa mga pamilyang naging biktima ng
pagbaha dulot ng habagat.
Sinabi ni Dr. Henry Buzar ng PDRRMC-Quezon na maraming pamilya
ang naapektuhan ng pagbaha sa Bacoor kung kaya’t nagpasiya ang PDRRMC-Quezon na magpadala ng
rescue team sa nasabing lugar upang matulungan mailigtas ang mga taong biktima
ng kalamidad.
Ang emergency rescue team na may kasanayan sa paglilgtas ng
buhay lalo kapag may nangyayaring kalamidad sa Quezon ay may mga dalang life vest, lubid at iba pang
mga kagamitan sa pagliligtas ng buhay.
Samantala, sinabi rin ni Buzar na hindi naman direktang
naapektuhan ng habagat ang lalawigan ng Quezon.
Aniya, wala ring mga ulat ng biktima ng pagbaha sa lalawigan sa
kabila ng nangyaring malimit na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. (RMO,
PIA-Quezon)
No comments:
Post a Comment