Wednesday, August 7, 2013

PIA | Philippine Information Agency | Tagalog news: Programa 'Pantawid', patuloy na ipinatutupad sa Mauban

Tagalog news: Programa 'Pantawid', patuloy na ipinatutupad sa Mauban

By Ruel M. Orinday
Wednesday 7th of August 2013
TweetFacebookYahooEmailShareThis
MAUBAN, Quezon, Agosto 7 (PIA) -- Patuloy na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Region 4-A ang programang “Pantawid Pamilya Pilipino Program” o 4Ps sa bayang ito.

Sinabi ni Liza Hernandez, team leader ng programang 4Ps sa bayan ng Mauban na umabot na sa bilang na 2,757 mula Hunyo 2013 hanggang sa kasalukuyan ang mga kabahayan o mahihirap na pamilya ang nakikinabang sa nasabing programa.

Sa ilalim ng programang 4Ps, ang bawat isang pamilya na may anak at may edad na 0 – hanggang 14 na taon ay tumatangap ng P300 na tulong na salapi para gamitin sa pag-aaral at P500 na tulong pangkalusugan sa bawa’t isang pamilya.

Ang P300 ay ibinibigay depende sa bilang ng mga anak na nag-aaral kung saan ay hanggang tatlo lamang anak sa bawat pamilya ang makikinabang ng tig P300.

Ipinatutupad din ng DSWD ang programang “modified conditional cash transfer” para sa mga kabataang mahihirap na may edad na 15 hanggang 17 kung saan ang kabataang mag-aaral ay tumatanggap ng tulong na P500 kada buwan.

Ang mga pamilyang benipisyaryo ng programang 4Ps ay inalam ng DSWD sa pamamagitan ng isinagawang national household targeting system (NHTS) kung saan ang mga benipisyaryo ay pawang mahihirap na pamilya lamang. (CPG/RMO-PIA4A Quezon)

No comments:

Post a Comment